Bihag na empleyado pinugutan ng Sayyaf

MANILA, Philippines - Sinakmal ng matinding sindak ang mga residente ng Basilan matapos matag­puan ang ulo ng isa sa tat­long bihag na pinugutan ng mga bandidong Abu Say­yaf dito kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Mark Singson, emple­yado ng Hi Tech Woodcraft In­dustry Corporation na na­ka­base sa bayan ng Ma­luso.

Sinabi ni Basilan Vice Governor Al Rasheed Sa­kalahul sa isang panayam na dakong alas-7:45 ng gabi nang makitang ina­bandona ng dalawang la­laki ang isang dilaw na backpack sa plaza ng Isabela City.

“Narekober agad yung ulo dahil nag-text ang mga kidnapper kay George Tan (operator ng HighTech) na ang sabi, kunin n’yo na ang ulo ni Singson,” ani Saka­lahul.

Ang pagkakarekober sa pugot na ulo ni Singson ay lumikha ng pagkatakot sa mga taong namamasyal sa nasabing plaza sa pag-aakalang bomba ang la­man ng backpack.

Gayunman, nang suriin ng security forces ang nila­laman ng naturang backpack ay laking gulat ng mga ito nang tumambad sa kanila ang pugot na ulo ni Singson na positibo na­mang kinilala ng kaniyang pamilya.

Sinabing pina­niniwa­laang ang ka­biguan ng pamilya ng biktima na mag­bayad ng ransom ang motibo ng pamumugot ng ulo dito.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa opisyal, ay hindi pa matiyak ang kalagayan ng dalawang negosyanteng Chinese na sina Michael Tan, 27 anyos; at Oscar Tan Lu, 51 taong gulang, na kasama ni Singson nang bihagin ng grupo ni Abu Sayyaf Commander Furuji Indama.

Nauna nang humingi ng P25 milyong ransom ang grupo ni Furuji kapalit ng pagpapalaya sa da­lawang negosyanteng Chinese nationals at kay Singson.

Show comments