Bata lunod sa balde ng tubig

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  — Hindi na umabot pa ng Pasko ang isang taong gulang na babae makaraang malunod sa balde ng tubig sa loob ng kani­lang tahanan kamakalawa ng hapon sa Barangay Pob­lacion sa bayan ng Sta. Elena, Camarines Norte.

Ban­dang alas-4:30 ng hapon nang matagpuang nakasubsob sa loob ng balde na puno ng tubig si Justine May Mapula.

Huling namataang buhay ang bata na nakikipaglaro sa kanyang mga kapatid sa kusina ng kanilang bahay habang ang ina naman nito ay nasa palikuran. Ed Casulla

Show comments