MANILA, Philippines - Nagmistulang ghost town ang ilang bahagi ng Shariff Aguak sa Maguindanao makaraang lumisan ang mga residente sa takot na madamay sa nakaambang digmaan ng mga militar at taga-suporta ng angkan ng Ampatuan.
Matapos ang deklarasyon ng Martial Law sa Maguindanao, karamihan ng magsasaka ang nagsimulang magsilikas pansamantala patungo sa Sultan Kudarat sa pangambang maakusahang kabilang sa mga militiamen na magsagawa ng rebelyon.
May mga checkpoint ding inilatag ang militar sa dalawang linya ng highway kung saan may ilang residente pa rin ang nanatili sa kanilang tahanan, at ipinapasa-Diyos na lamang ang posibleng mangyari sa kanila sa oras na maganap ang hindi inaasahan. Ricky Tulipat