3 minero todas sa tunnel

MANILA, Philippines - Tatlong minero ang iniulat na nasawi maka­raang makalanghap ng nakalalasong kemikal sa loob ng abandonadong tun­nel sa Barangay San Andres, sa bayan ng Buna­wan, Agusan del Sur ka­makalawa.

Kabilang sa mga na­matay ay sina Benjie Ca­lang, 28; Ryan Gayon, 24; at si Jeffrey Ausa, 24, na sinasabing may-ari ng tunnel at pawang nakatira sa Villangit, Sibagat.

Sa report ng pulisya, na nakarating sa Camp Cra­me, naabutan na la­mang ang tatlong minero nagpa­palutang-lutang sa loob ng abandonadong tunnel na may tubig-baha.

Lumilitaw sa pagsusuri ng pulisya na asphyxia (suffocation) mula sa naka­la­la­song kemikal na ka­nilang na­­langhap ang isa sa da­hilan ng pagkamatay ng tatlo.

Nabatid na nabigong makauwi sa kanilang barracks ang mga biktima kaya pina­sun­dan ang mga ito sa ka­­ni­lang mga ka­sa­ma­han na nagre­sulta sa pag­ka­ka­dis­kubre ng in­sidente.

Show comments