4 tiklo sa droga

BOCAUE, Bulacan, Philippines — Ak­sidenteng nabisto ng mga kawani ng lokal na Drug Enforecement Group ng Philippine National Police ang dalawang babae na nagpapakalat umano ng mga iligal na shabu maka­raang masabat ang mga ito sa Barangay Lolomboy sa bayang ito kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ni P/Supt. Ro­nald De Jesus ang mga sus­pek na sina Chatlyn Buenaflor 25, may-asawa at residente ng Lolomboy; at Asminah Banto 18, da­laga, at resi­den­te ng Ba­rangay Saluy­soy, Meyca­ua­yan City. Na­kum­piska sa kanila ang walong sachet ng hinihina­lang shabu na nagkaka­halaga ng P15,000.

Sa hiwalay na ulat, na­aresto ng pulisya ang dala­wang kilabot na nagbebenta ng “bato” sa isang buy bust operation na isinagawa sa Barangay Calaylayan, Abu­cay, Bataan kama­kalawa.

Kinilala ni Bataan Police Director P/Sr. Supt. Manuel Gaerlan ang mga suspek na sina Felix Villaruz y Angeles, 34 anyos; at Ariel Sevilla y Ronquillo, 35, kapwa naka­tira sa naturang lugar.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-5:00 ng hapon nang isagawa ang operation sa pamamagitan ng isang poseur-buyer.

Nakakumpiska sa mga suspek ang dalawang piraso ng medium size a tea bag, 5 pcs. plastic schet na pinani­niwalaang shabu na may timbang na dalawang gra­mo na aabot sa halagang P200,­000 at nabawi din sa mga kamay ng suspect ang P1,000 na siyang gina­wang marked money. Boy Cruz at Jonie Capalaran

Show comments