P30-M ransom sa dinukot na bisor

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Aabot sa P30 milyong ransom ang hinihingi ng kidnap-for-ransom group sa pamilya ng bisor ng school na dinukot kamakalawa sa bayan ng Cawayan, Masbate. Si Annil Lequiron ng Barangay Del Carmen, Uson, Masbate at tumatayong district supervisor ng Cawayan West District School sa Cawayan ay kinidnap habang papauwi mula sa eskuwelahan, ayon kay P/Chief Supt. Ruben Padua. Nabatid na ang pamilya ng biktima ay kilalang mga negosyante sa bayan ng Uson. Malaki ang pani­niwala ng mga awtoridad na bahagi ng fund raising ng ilang pulitiko na nagsasagawa ng kidnap-for-ransom­ para sa 2010 elections. Nagsasagawa na ang rescue operation ang puwersa ng pulisya laban sa mga kidnaper. Ed Casulla

Show comments