4 katao dakma sa pangingikil

BULACAN, Philippines — Kalaboso ang apat na sibilyan na sina­sabing nangikil ng malaking halaga sa secretary ng isang president­iable candidate makaraang maaresto ng pulisya sa isinagawang en­trap­ment operation kahapon ng madaling-araw sa Ba­ran­gay Bunlo sa bayan ng Bo­caue, Bulacan.

Pormal na kinasuhan ang mga suspek na sina Alfred “Borgie” Men­diola, 27, ng Angeles City, Pam­panga; Teresita Men­doza, 43, ng Brgy. Wawa, Balag­tas, Bu­la­can; Kenneth Gat­bunton, 26; at si Florencio Laxa­mana, kapwa resi­dente ng Candaba, Pam­panga. Lumilitaw sa police report na tinangkang kiki­lan ng mga suspek ang sec­retary ni Bro. Eddie Vil­lanueva na si Jake Vil­la­nueva kapalit ng pagsu­porta sa kan­didato ng huli.

Kinumpiska ng pulisya ang Toyota Lite Ace (WLN 106) na ginagamit ng mga suspek sa kanilang modus operandi. Boy Cruz

Show comments