2 AFP kumander sa Maguindanao itinalaga

MANILA, Philippines - Dalawang kumander ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang itinalaga kahapon matapos sibakin sa puwesto ang dala­ wang nauna sa naganap na Ma­guin­danao massacre no­ong Nobyembre 23.

Sa panayam, sinabi ni Lt. Col. Romeo Brawner Jr., si Major General Antho­ny Alcantara ng Philippine Military Academy (PMA) Class 1979 ang inihalili sa puwestong binakante ni Major Gen. Alfredo Cayton.

Ipinalit naman kay Col. Medardo Geslani ng 601st Infantry Brigade (IB) si Col. Leo Ferrer.

Sina Cayton at Geslani ay sinibak noong Biyernes bunga ng mga reklamo sa kabiguang magbigay ng security escort sa convoy ng misis ni Buluan, Ma­guindanao Vice Mayor Es­mael “Toto” Mangu­da­datu na humantong sa ma­lagim na krimen kung saan ka­bilang sa nasawi ay ang 27 miyembro ng media na magko-cover sana sa pag­susumite ng certificate of candidacy ng pamilya para kay Toto sa gubernatorial race.

Si Alcantara ay dating kumander ng Training and Doctrine Command (TRA­DOC) ng AFP ha­bang si Ferrer ay dati na­mang pi­nuno ng Task Force Gen­san.

Samantala, nasa 3,000 tropa naman ang idina­dagdag na puwersa ng AFP na kinabibilangan ng Army’s 46th Infantry Battalion mula sa Samar, 76th Infantry Battalion mula sa Sa­ran­gani, Scout Ran­ger Company ng Ba­silan at Special Forces Company ng Jolo, Sulu para mag­patupad ng peace and order. Joy Cantos

Show comments