Dahil sa masaker, 2 AFP official sa Maguindanao sinibak

MANILA, Philippines - Tinanggal kahapon ng liderato ng Armed Forces of the Philippines sa puwesto ang dalawang opisyal ng Philippine Army mata­pos ang malagim na Maguindanao massacre noong Nobyembre 23 na ikinasawi ng 57 katao kabilang ang 27 mediamen sa bayan ng Ampatuan ng lala­wigan noong Lunes.

Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, ki­nilala ni AFP-Public Affairs Office Chief Lt. Col. Romeo Brawner Jr., ang dalawang opis­yal na sina 6th Infantry Division Chief Major Gen. Alfredo Cayton at 601st Brigade Chief Col. Medardo Geslani.

Sinabi ni Brawner na tinanggal ang da­lawang opisyal para bigyang-daan ang pa­tas na imbesti­gas­yon sa uma­no’y kapa­ba­yaan at kakulangan kaugnay ng naturang insidente.

Sinabi ni Brawner na pansamantalang hahalili sa dalawang opisyal ang Assistant Division Commander at Deputy Brigade Com­mander habang nagsasagawa pa ng pagpupulong ang AFP Board of Generals kung sino ang haha­wak sa posisyong ba­ba­kantehin ng dala­wang opisyal.

Nilinaw naman ni Brawner ang mga ito ay sinibak sa puwesto hindi sa usapin ng kri­minal na aspeto tulad ng mga isinasangkot sa krimen kundi sanhi ng mga reklamo sa mga ito gaya ng kabi­guan umanong magbi­gay ng seguridad sa pamilya ni Maguin­danao gubernatorial candidate Ismael “To­to” Mangudadatu.

Noong Lunes ay hi­narang, kinidnap at brutal na pinaslang ng may 100 armadong ka­lalakihan ang 57 katao habang magsusumite sana ng Certificate of Candidacy ang pamil­ya Mangudadatu sa Commission on Elec­tion sa insidente sa Barangay Salman, Am­patuan, Maguin­danao.

Idinagdag pa nito na hindi suspect sa krimen sina Cayton at Geslani dahil wala na­man ang mga ito sa crime scene tulad ng mga akusadong pulis at kung hindi dahil sa dalawang opisyal lalo na ang heneral na ipinag-utos ang ‘aerial reconnaissance ay malamang na naibaon na ng mga kriminal ang lahat ng mga ebiden­sya tulad ng mga sa­sakyan na inilibing sa hukay kasama ng mga minasaker na biktima.

Show comments