CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines — Isang 35-anyos na mister na naging bisita sa kasalan ang iniulat na napaslang makaraang sakalin ng nakaalitang lalaki kamakalawa ng tanghali sa Barangay Mahayahay sa bayan ng Cawayan, Masbate.
Hindi na umabot ng buhay sa Cawayan District Hospital si Renato Gallego habang tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Arnel Almansor, 25, kapwa mangingisda.
Napag-alamang kapwa lango sa alak ang dalawa nang magkainitan kaugnay sa pinag-uusapang 2010 elections hanggang sa maganap ang insidente. Ed Casulla