Counselor dedo sa sagasa

BULACAN, Philippines — Namatay ang isang 30-anyos na guidance counselor ng eskuwelahan makaraang mabangga ng kotse habang tumatawid sa bahagi ng Barangay Ibayo sa bayan ng Marilao, Bulacan noong Huwebes ng gabi.

Sa Nazarenus Hospital nasawi si Sheryllin Dela Cruz ng Brgy. Bundukan, Bocaue, Bulacan habang nakapiit at por­mal na kinasuhan si Ronaldo De Mesa, 38, ng Fuse St., Meralco Village, Brgy. Lias.

Sa ulat ni PO2 Ricardo Solo­mon, lumilitaw na patungong shopping mall ang biktima nang masalpok ng Toyota Camry (ZLM-162) ni De Mesa na sinasabing walang driver’s license. Boy Cruz

Show comments