15 uri ng armas nasamsam

MANILA, Philippines - Nasamsam ng National Firearms Control Program ng Philippine National Police ang 15 iba’t ibang uri ng armas sa isinagawang operasyon laban sa Clandestoine gun­shop na pagmamay-ari ni Ana­cleto Cesneres, dakong ala-1:30 ng hapon sa Rosary Heights, Cotabato City, ma­ta­pos na makatanggap ng im­por­mas­yon mula sa isang concerned citizen.

 Kabilang sa mga na­kumpiska ay isang cal. 30 garand rifle, 1 airgun armscor rifle, 1 caliber 7.62 MM M14 rifle, 1 cal 7.62 GI rifle, limang cal. 45 pistol, 1 cal. 380, 2 cal. 22 revolver, 1 cal 5.56 MM M16 rifle, 1 cal 5.56 , 1 cal 5.56 MM M16 Barrel, kung saan pawang walang mga serial number. Nakuha din dito ang GA 12 trigger housing, 7 magazines ng cal.45 pistol, 4 na 9MM magazine, 1 magazine ng M14, 1 cal 45 barrel, 5 rounds ng cal 9MM, 3 rounds ng cal .45, 14 rounds ng cal 32 at isang flash rider ng M16 rifle. Joy Cantos

Show comments