Mangingisda nabulag sa dinamita

MANILA, Philippines - Naputulan ng kanang kamay at nabulag ang isang mata ng isang 29-anyos na mangingisda nakaraang su­mabog ang dinamita na kanyang hawak habang na­ngi­ngisda sa karagatan ng Paoay, Ilocos Norte ka­ma­kalawa ng gabi.

Lumilitaw sa police report na pumalaot ang biktimang si Antonio Labasan ng Brgy. Callaguip at ang kasama na si Christopher Agdeppa upang ma­ngis­da gamit ang dinamita bandang alas-6 ng gabi.

Na­pag-alamang ihahagis na sana ni Labasan ang sinin­di­hang dinamita nang sumabog sa kaniyang kamay kung saan nadamay ang kanyang mga mata at nalasog ang kanang kamay. Samantala, nagtamo na­man ng bahagyang sugat si Agdeppa na tinamaan ng shrapnel ng dinamita. Joy Cantos

Show comments