22 todas sa madugong sagupaan

MANILA, Philippines - Aabot sa sampung re­beldeng New People’s Army, walong sundalo, isang pulis at tatlong Cafgu ang iniulat na napaslang habang wa­long iba pa ang nasugatan makaraang su­miklab ang madugong bak­bakan noong Miyerkules sa liblib na ba­hagi ng Ba­rangay Pakwan sa bayan ng Lanuza, Suri­gao del Sur.

Kabilang sa mga nasa­wing sundalo ay sina Corporals Gartin Plaza at Mo­hamad Kair Abdurasic, Privates First Class Kenneth Bactong, Dennis Garfin, Charlito Pico, Jose Belas­cuan at Privates Raul Pa­quibot, Charles Orit na sun­dalo ng 58th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Napaslang din si PO2 Rodolfo Medrano ng 1405th Provincial Police Mobile Group; ang mga Cafgu na sina Dionisito Luces, Ed­mundo Careño at Hilarion Agudo habang inaalam pa ang pagkakakilanlan  ng mga napaslang na rebelde na inabandona ng mga nagsitakas na kasamahan.

Sa pamamagitan ng chopper ay naisugod naman sa Camp Evangelista Hospital sa Bancasi, Butuan City at Cagayan de Oro City ang sampung nasugatang sun­dalo.

Nagsimula  ang bakba­kan dakong alas-10:30 ng umaga na tumagal hang­gang alas-7 ng gabi noong Miyerkules sa Kilometer 16 na umabot hanggang Kilo­meter 17 sa nabanggit na barangay.

Bago sumiklab ang gi­yera, sumalakay at sinunog ng mga rebelde ang mga gamit ng Surigao del Sur Development Corp. sa KM 31 kung saan dinisarma­han ang mga security guard bago nagsitakas ang mga rebelde patungo sa di­reksyon ng kagubatan.

Gayon pa man, rumes­ponde ang tropa ng 59th Infantry Battalion (IB) ka­sa­ma ang ilang Cafgu at pu­lisya na tinugis ang mga rebelde hanggang sa mag­kasagu­paan.

Samantala, sa clearing operation narekober ang ilang landmine, Icom radios at mga personal na kaga­mi­tan na naiwan ng mga nagsi­takas na NPA. Joy Cantos

Show comments