Trike inararo ng bus

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines – Napaaga ang kamatayan ng isang 52-anyos na mister habang dalawang iba pa ang nasugatan matapos araruhin ng pampasaherong bus ang traysikel sa highway ng Barangay Bone South sa bayan ng Aritao, Nueva Viz­caya kamakalawa ng gabi. Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na tinumbok ng Florida Bus Liner (QG 8476) ang likurang bahagi ng traysikel ng mga biktima. Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Adoracion Palaganas habang sugatan naman na naisugod sa Nueva Vizcaya Provincial Hospital sina Rogelio Palaganas, 52, at negosyanteng si Raida Baria, 36. Sumuko naman ang drayber ng bus na si Wilfredo Martinez ng Camalaniugan, Cagayan. Victor Martin

Show comments