Misis nakatakas sa kidnaper

MANILA, Philippines - Ilang oras matapos na dukutin, nagawang takasan ng isang misis ang kidnaper na sinasabing dumukot sa kanya sa bayan ng Tupi, South Cotabato noong Martes ng gabi. Kinilala ni P/Senior Supt. Nilo Wong, director ng South Cotabato Provincial Police Office ang ginang na  si Jamiah Tacuyan, 38. Napag-alamang si Tacuyan ay dinukot sa kanyang bahay sa bisinidad ng Brgy. Polonuling. Nabigo naman ang mga kidnaper na maabutan ang biktima na nagawang makapagkubli sa masukal na bahagi matapos lumundag mula sa sinasak­yang motorsiklo. Joy Cantos

Show comments