2 pirata arestado sa Zamboanga

MANILA, Philippines - Nalambat ng militar ang dalawang kalalakihan na sina­sabing pirata sa isinagawang operasyon sa bayan ng Duma­linao, Zamboanga del Sur kamakalawa ng umaga. Kinilala ang mga nasakote na sina Gaudencio “Dencio” Laure, 40; at Francisco Misa, 39, kapwa nakatira sa Brgy. Ticala, San Pablo. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, ang mga suspek ay nasa­kote sa security patrol operations sa bisinidad ng Purok Manga sa bayan ng Dumalinao bandang alas-5 ng umaga. Sa tala ng AFP, ang mga suspek ay sangkot sa pamimirata sa karaga­tang nasasa­kupan ng Zamboanga Peninsula at pangingikil sa mga residente na naninirahan malapit sa mga baybayin. Joy Cantos

Show comments