Abo ng Mayon umabot sa 9 barangay

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Siyam na barangay sa tatlong munisipalidad ang naapektuhan ng abo ng bulkang Mayon kahapon ng madaling-araw. Ayon sa Phil. Institute of Volcanology and Seismology (Philvolcs), kabilang sa mga barangay na naulanan ng makapal na abo ay Barangay Tumpa  sa Bayan ng Camalig; ang mga Ba­rangay Travesia, Maipon, Masarawag, Doña Tomasa, Muladbukad Grande, at Barangay Pequeno sa bayan ng Guinobatan; at ang mga Barangay Nabonton, at Nasisi sa Ligao City. Naitala naman ang 20 volcanic earthquakes at napag-alaman na maging sa Barangay Lidong sa bayan ng Sto. Domingo, Anoling ng Camalig at nakitaan ng mga malalaking bato na balot ng lava. Ed Casulla

 

Show comments