Parak, huli sa kidnapping

MANILA, Philippines - Naghihimas ng rehas si SPO1 Dominador Esguerra, 43, residente ng Barangay 2, Sta. Maria, Laguna matapos na ireklamo ng biktimang si Ronald Bael, 36, dahil sa pagdukot sa kanya dakong alas-12:05 ng madaling-araw kamakalawa.

Sa report ng pulisya, hinihintay ni Bael ang kaibigang si Analiza Ante ng biglang lumapit ang suspek at tutukan siya ng baril. Nag­pahatid ang suspek sa biktima sa Brgy. Bagong Pook.

Agad na nag­sumbong sa pulisya si Ante kaya mabilis na naaresto ang suspek. Isinasailalim pa rin sa masusing imbestigasyon ang motibo ng pagdukot kay Bael habang nakakulong sa Sta. Maria Municipal Station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso sa piskalya. (Joy Cantos)

Show comments