MANILA, Philippines - Sumuko sa gobyerno ang 24 batang mandirigma ng New People’s Army sa Davao Region kung saan lima sa mga ito ay menor-de-edad mula sa NPA Front Committee 51. Mapayapa naman tinanggap ng 39th infantry battalion ang mga rebelde sa Brgy. Binaton, Digos City, Davao del Sur.
Ayon sa mga batang NPA, nais nilang makapagbagong-buhay at makauwi sa kanilang pamilya para na rin makakuha ng benepisyo mula sa Social Integration Program na pinatutupad ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process Secretary Annabelle Abaya.
Batay sa programa, bi bigyan ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng P20,000 ang mga sumukong rebelde upang magkaroon ng maliit na negosyo, habang ang mga magsusuko ng matataas na kalibre ng baril gaya ng M16 assault riffle ay tatanggap ng karagdagang P50,000. Inaasahan namang marami pang mga rebelde ang magsisibaba sa kabundukan para sumuko sa batas. (Joy Cantos)