GUMACA, Quezon, Philippines – Minsan pang pinatunayan ng Armed Forces of the Philippines na kaagapay sila ng mamamayan hindi lamang sa pagpapanatili ng kaayusan sa komunidad manapay sa pagsasagawa ng mga proyektong pangkaunlaran. Kamakalawa, ay pormal na itinurn-over ng 76th Infantry Battalion ng Philippine Army at 51st Engineering Brigade sa provincial government ng Quezon ang may P13 milyong proyekto na kanilang isinagawa sa siyam na barangay sa bayan ng Gumaca. Nakapaloob sa proyektong Kalayaan Barangay Program Kalahi Infrastructure ang mga natapos na farm-to-market road at paglalagay ng mga deep well. Sinimulang isagawa ang mga proyekto noong 2008 na ang pangunahing layunin ay ipagkaloob sa malalayong barangay ng Gumaca ang serbisyo ng AFP. Personal na iniabot nina B/Gen. Felizardo Simoy, commander ng 51st Engineering Brigade at Southern Luzon Commander Lt.Gen. Roland Detabali, ang symbolic key at equipment kay Governor Raffy P. Nantes na sinaksihan ni Mely Jabola, presidential assistant for Calabarzon. Tony Sandoval