1 dedo sa ambush

MANILA, Philippines - Isa katao ang nasawi habang tatlo pa ang malubhang nasugatan nang paulanan ng bala ng 20 armadong hinihinalang miyembro ng Moro Islamic rogue elements sa Pikit, North Cotabato kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nasawi na si Naima Adilaoc, residente ng Datu Odin Sin­suat, Maguindanao. Isinugod naman sa pagamutan ang sugatang mga biktima na sina Musrib Zacarac, Juhiri Sabarat at Salem Sali na pawang naninira­han sa Cotabato City. Sinabi ng pulisya na bumabagtas sa kahabaan ng natio­nal highway ng Barangay Batulawan ang mga biktima lulan ng Nissan Frontier at Mitsubishi Montero nang paulanan ng bala ng mga armadong kalala­kihan. (Joy Cantos at Malu Manar)

Show comments