Kinarit ng 'aswang'

MANILA, Philippines - Isang mag-ina ang na­patay samantalang dalawa ang nasugatan nang pag­tatagain ng isang lalaki na pabirong pinagbintangang aswang sa Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi.     

Idineklarang dead-on-arrival sa St. Paul Hospital dahil sa tinamong mga ma­lalalim na sugat na ni­likha ng karit o panagpas ng tubo sina Maribel Quirante at anak nitong sanggol na da­lawang buwang gulang na si Carl na halos humi­walay ang ulo sa insidente.   

Ang live-in partner na­man ni Maribel na si Raul Orbina at sanggol na anak nitong si Abigail ay kasa­lukuyang nilalapatan ng lunas sa tinamong mga su­gat sa kanilang mga kata­wan.    

Ang suspek na si Clau­dio Orbista na binansa­gang ‘Aswang’ ng ilang ka­mag-anak ng mga biktima ay isinugod rin sa De La Salle University Hospital matapos na masugatan rin sa insidente sa panlalaban ni Raul Orbina.    

Batay sa report ng Ca­vite Provincial Police Office, nangyari ang krimen da­kong alas-10:00 ng gabi sa loob ng tahanan ng mga biktima sa Sitio Pitong Gu­bat, Barangay Paliparan 3.    

Ayon kay Dasmariñas Police Chief Supt. Marcos Padilla Jr., ang suspek na armado ng patalim at karit ay bigla na lamang uma­nong lumusob sa tahanan ng pamilya at inatake ang mga ito na noo’y mahim­bing ng natutulog sa loob ng kanilang kulambo.    

Nagawa namang maka­takas ni Raul sa suspect na nakalabas ng kanilang taha­nan bagaman sugatan ito.     

Sa puntong ito, pinag­diskitahan naman ng suspect na karitin ang mag-iina.    

Sa kabila umano ng pa­kiusap ng ginang na niya­kap ang kaniyang mga anak ay dinaluhong ang mga ito ng suspek at pinag­kakarit kung saan ay dina­paan pa ng nasabing misis ang naturang sanggol kaya nakaligtas ito.    

Ilang minutong pinag­kakarit at pinagsasaksak na umano ng suspek ang mag-iina bago nakabalik sa bahay si Raul.    

Natigil lamang ang pag­lalaban ng suspect at ni Raul nang magresponde ang mga awtoridad at isu­god ang mga biktima sa pa­gamutan.   

Lumilitaw sa imbesti­gas­yon na bago ang insi­dente ay nagkaalitan sina Raul at Claudio na tinawag nitong ‘Aswang’ na labis uma­nong dinamdam ng huli. Ayon sa suspek, hindi umano niya maintindihan kung bakit nagawa niya iyon at nabanggit pa nito na para umanong sina­ ni­ban siya ng masamang espiritu.   

Kasong Double Murder at frustrated murder ang nakatakdang isampalaban sa nasabing suspek.

Show comments