Tanod tinodas sa sinehan

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines  – Pinaniniwalaang personal na alitan kaya pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 53-anyos na barangay tanod ng dalawang ‘di-pa kilalang lalaki sa naganap na karahasan sa loob ng sine­han sa Barangay Togoron sa bayan ng Monreal, Masbate kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa likurang bahagi ng katawan si Manuelito “Dondoy” Co, kung saan nati­yem­puhang nanonood ng sine na pag-aari ng mag-asa­wang Lourdes at Adolfo Rejuso. Ed Casulla

Show comments