Trike vs bus: 2 katao utas

PANGASINAN, Philippines – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi makaraang salpukin ng mini-bus ang traysikel sa kahabaan ng highway sa Poblacion sa bayan ng Binmaley, Panga­sinan kamakalawa ng hapon. Kinilala ng pulisya ang dala­wang sakay ng traysikel na sina Franklin Sangalong ng Barangay Baybay Polong at ang pasahero nitong si William Tumanan, 12. Pormal naman kinasuhan habang naka­kulong ang drayber ng minibus na si Joey Mejia, 33, ng Barangay Bayaoas sa bayan ng Aguilar. Napag-alamang minamaneho ni Sangalong ang tray­sikel nang makasa­lubong ang bus ni Mejia. Cesar Ramirez

Show comments