Sutil na anak pinagtataga ng ama

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Kasalu­kuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang anak na lalaki makaraang pagta­tagain ng kanyang ama ka­makalawa ng gabi sa Ba­rangay Canapawan, sa bayan ng Labo, Camarines Norte.

Naputol ang kanang kamay at nagkasugat-su­gat ang leeg ni Domingo De­los Santos na naisugod naman sa Talobatib District Hospital.

Samantala, sumuko na­man sa pulisya ang suspek na si Carlos Delos Santos Sr. Lumilitaw na kapwa lango sa alak ang mag-ama nang magkasigawan kung saan pinayapa ng ba­rangay tanod na si Naldy Ro­sas. Subalit makalipas ang ilang minuto ay bina­likan ng suspek ang sariling anak na sinasabing sutil at isinagawa ang krimen. Ed Casulla

Show comments