Shootout: Katiwala dedo sa pulis

BULACAN, Philippines — Napatay sa pakikipagbarilan ang katiwala ng barangay chairman maka­raang salakayin ng pulisya ang pitong kabahayan sa paghahanap ng malalakas na kalibre ng baril kahapon ng madaling-araw sa Barangay Labne sa San Miguel, Bula­can. Kinilala ang nasawi na si Ronald Dela Cruz, caretaker sa bahay ni Chairman Gener Lopez, pangulo ng Association of Barangay Captains sa nasabing bayan.

Ang pagsa­la­kay sa pitong kabahayan kabilang na ang bahay ni Chairman Lopez ay ayon sa search warrant na inisyu ni Judge Ramon Pa­mo­lar ng Guimba Regional Trial Court Branch 32 sa Nueva Ecija. Ayon naman kay Lopez na may bahid pulitika ang isi­nagawang pagsalakay ng pu­lisya sa kanyang bahay kung saan isang anak ng opisyal ng pulisya sa central Luzon ang kakandidatong alkalde sa nabanggit na bayan. Dino Balabo

Show comments