Trak vs trak: 3 dedo, 8 grabe

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Tatlo-katao ang ini­ulat na nasawi samantalang walong iba pa ang nasa ma­lub­hang ka­lagayan makaraang magsalpukan ang dalawang cargo truck sa kahabaan ng highway sa bayan ng Atimonan, Quezon kahapon ng madaling-araw. Kabilang sa mga nasawi ay sina Manuel Cleofo, truck driver at mga pahinante nitong sina Mi­chael Bonador at isang alyas Bo­boy. Kasalukuyan naman nakikipaglaban kay kamatayan sa ospital sina Sonny Ca­ngayo, Marijoy Nebria, Benigno Sanelo, Rey Quinonez, Froilan Ventolina, Gener Gat­ma­itan, Johnny Doverte at si Jeffrey Do­verte. Sa ulat na natang­gap ni P/ Senior Supt. Elmo Francis Sa­rona, Quezon police director, binabagtas ng Isuzu Forward truck (ULD-151) ni Cleofo ang kahabaan ng highway sa Barangay Tagbakin nang sumalpok sa kasalubong na 10-wheeler truck (TEX-482) bandang alas-3:30 ng madaling-araw. Napag-ala­mang nagmula sa Divisoria pa Bicol sina Cleofo para mag-deliver ng gulay nang umobertake ito sa sasakyang nasa unahan hanggang bumangga sa paparating na 10-wheeler closed van na patungo naman ng Maynila. Arnell Ozaeta

Show comments