Cell site ng Sun sinunog

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City, Philippines – Pinanini­walaang re­volu­tionary tax na hindi naibigay ang pangunahing motibo kaya sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army ang cellsite ng Sun Cellular Telecoms kamakalawa ng gabi sa Barangay Abu­yog, Sorsogon City, Sorsogon. Dakong alas-8:30 ng gabi nang salakayin at sunugin ng mga rebelde ang cellsite na kung saan wa­lang nagawa ang ilang bantay na kalalakihan. Napag-alaman din iniharang ng mga rebelde ang ilang pinutol na niyog sa gitna ng kalsada sa pagitan ng Barangay Payawin at Ba­rangay Buha­tan upang hindi kaagad makapagresponde ang pulisya at militar. Ed Casulla

Show comments