Principal kinidnap ng Abu

MANILA, Philippines - Patuloy sa paghahasik ng terorismo ang mga ban­di­dong Abu Sayyaf Group ma­karaang dukutin ang isang prin­cipal sa elementary school kamaka­ lawa ng ha­pon sa bayan ng Patikul, Sulu.

Naglunsad na ng mala­wakang rescue operation ang mga awtoridad para mailigtas si Gabriel “Bong “Canizares, 36, ng Lower San Raymundo, Jolo, Sulu.

Ayon kay Army regional spokesman Major David Hon­tiveros, kinidnap ang biktima sa bisinidad ng KM 7, Ba­rangay Tanum ban­dang alas-4:20 ng hapon. 

Si Canizares na pu­nong-guro sa Kanague Ele­mentary School sa Pa­tikul ay lulan ng pampasa­he­rong jeepney pa­ balik ng Jolo kasama ang kaibi­gang guro nang harangin at pa­babain sa sasakyan ng 12 ar­ma­dong bandido.

Walang nagawa ang bik­ tima matapos na tutu­kan ng baril at sapilitang ka­ladkarin ng mga arma­dong bandido kung saan naiwan ang kaibigang guro na sinasabing hindi na­man sinaktan. 

Walang pang demand ransom sa pamilya ng grupo ang na­ momonitor ng mga awto­ridad.

Show comments