19 sugatan sa road mishap

RIZAL, Philippines — Umaabot sa 19-katao ang iniulat na nasuga­tan kabilang ang isang ina na nasa kritikal na kalagayan makaraang sal­pukin ng dump truck ang anim na sasakyan kahapon ng umaga sa kaha­baan ng Manila East Road, Ba­rangay San Juan sa bayan ng Taytay, Rizal.

Si Veronica Sasi na nasa malubhang kalagayan ay nasa Manila East Medical Center, mga anak nitong sina Sharmaine Sasi, Carlos Sasi, Roan Sasi, Michael Caluna, 29 at si Analiza Tripoli.

Naisugod naman sa Tay­tay Emergency Hospital sina Mar­ry Morallos, at Rico Mo­rallos, Owen Tor­res, Ry­le Gios­trina, Lorna Mana­loto, Carlo Encarnacion, at kapatid nitong si Car­melo Encar­na­cion. Habang nasa Rizal Me­dical Center naman sina Joseph Talin, Rolando Orlina, Elizabeth Diangson, Mary Grace Diangson, Rhea Go­­n­gob, Christhopher Go­ngob na driver ng jeepney (DXE-407) at ang pahi­nante ng naka­banggang trak na si Jose Dan Orteza.

Pormal naman kakasu­han ang drayber ng dump truck (RCJ 107) na si Jojit Teczon, ng Balaong San Miguel, Bulacan.

Napag-alamang nawa­lan ng preno ang dumnp truck ng buhangin na pa­tungong An­gono kaya naunang sinal­pok ang pampasaherong jeepney bago ang Nissan Urvan (NAQ - 758); Isuzu Jeepney (DWG - 938); Mitsubishi Ad­venture (XJG - 872); isa pang pam­pasaherong jeep­ney na hindi nakuha ang pla­ka at isa pang Toyota Revo. Danilo Garcia

Show comments