P.3-milyong ari-arian naabo

MANILA, Philippines - Aabot  sa P.3 milyong halaga ng ari-arian ang naabo makaraang masunog ang may 80 kabahayan sa Zone 2, Sitio Talighay, Barangay Cugman sa Cagayan de Oro City kamakalawa ng gabi. Sa ulat ni Fire Marshall Binegno Amomonpon Jr., na nakarating sa Camp Crame, nagsimula ang apoy sa bahay ni Edgar Magpulong kung saan tumagal ng dalawang oras bago pa maapula ang sunog. Wala naman iniulat na nasawi o nasugatan ha­bang pansamantalang pinatuloy ang mga nasunugan sa paaralang elementarya at covered court. Joy Cantos

Show comments