Giant vintage bomb, nahukay

PULILAN, Bulacan, Philippines – Isang higanteng vintage bomb ang natagpuan sa isang bahagi ng ilog sa Brgy. Cutcot sa bayang ito kahapon ng umaga.

Sa ulat, ang vintage bomb na may habang 5 talampakan at bigat na isang tonelada ay nadis­kubre ng mangingisdang si Ernesto Gatchalian dakong alas-8 ng umaga matapos na di sinasadyang makapa ito sa ilalim ng ilog.

Una ng nakakuha ang ilang mangingisda dito ng katulad na bomba noong 2003 kung saan sampung katao ang nagtulung-tulong para maiahon ito sa pag­kakabaon sa putik. Pina­niniwalaan naman na ma­rami pang natitirang bomba sa ilalim ng ilog at nata­tabunan lang ng makapal na putik. (Boy Cruz)

Show comments