Tsinoy nanlaban sa holdaper, todas

MANILA, Philippines - Patay ang negosyan­teng Tsinoy matapos na manlaban sa mga umano’y notoryus na miyembro ng robbery/holdap gang sa Arena Blanco, Zamboanga City kahapon ng umaga.

Ang biktima ay kinilala ni AFP-Western Mindanao Command (AFP-West­mincom ) Spokesman Major David Hontiveros si Kenny Ng Hao, distributor ng Mary­line Convenience Store.

Sa ulat ang insidente ay naganap dakong alas- 11:15 ng umaga kung saan bigla na lang pumasok ang mga ’di kilalang suspek at tutukan ng baril ang bik­tima, ngunit walang takot itong pumalag kaya agad na pinagbabaril ng mga suspek.

Agad naman na tuma­kas ang mga suspek ma­tapos ang insidente. Sa ngayon ay iniimbestigahan ng mga otoridad ang kaso at posibleng pagdukot din sa biktima ang isa sa motibo ng mga suspek. (Joy Cantos)

Show comments