Mister naaktuhan ni misis

MANILA, Philippines - Dahil sa matinding galit matapos na maaktuhan sa pakikipagtalik sa kaniyang kerida, pinaghahampas ng kadena ng isang misis ang kaniyang mister sa Koronadal City, South Cotabato kamakalawa ng madaling-araw.

Sa salaysay sa pu­lisya ni Gemma Villa, 41, umabot na sa sukdulan ang kanyang galit nang maaktuhan ang kanyang 44-anyos na mister na nakikipagtalik sa isang 19-anyos na dalaga sa loob mismo ng kanilang kuwarto sa Barangay Namnama pasado alauna ng madaling-araw. Mabilis namang nakatakbo ang kalaguyo nito na naka-underwear lang at naiwan ang damit.

Bago ang insidente, inamin ni Villa na nagkaroon sila ng hindi pag­kaka­unawaan ng kaniyang mister na kadalasan ay umuuwi ng senglot. Ayon sa misis, hindi naman niya suka’t akalain na ma­aabutan sa malaswang eksena ang kanyang mister sa loob pa mismo ng kanilang silid. Joy Cantos

Show comments