KIDAPAWAN CITY , Philippines — Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang isa pa ang malubhang nasugatan makaraang pagbabarilin ng mga ‘di-pa kilalang kalalakihan sa kagubatan ng Barangay Upper Paatan sa bayan ng Kabacan, North Cotabato noong Lunes ng umaga.
Kinilala ni P/Insp. Ronnie Cordero, deputy chief ng Kabacan PNP, ang mga napatay na sina Arnie Cadiao at Mario Masabio na kapwa nakatira sa Purok Maligaya, Upper Paatan, Kabacan habang sugatan naman si Rey Masabio.
Napag-alamang pinasok ng mga biktima ang kagubatan para hanapin ang utol ni Mario na si Franklin Masabio na nanghuhuli ng unggoy noong Huwebes.
Subalit sinalubong at niratrat sila ng mga armadong kalalakihan.
Nabatid na ang erya na pinasok ng mga biktima ay itinuturing na pinagkukutaan ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Gayon pa man, hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa makita si Frank lin ng kanyang mga kaanak. Malu Manar