Mister nagbigti dahil sa UTI

PANGASINAN, Philippines – Nagpakarit kay kamatayan ang isang mister na sinasabing nahawaan ng sakit sa babae ang kanyang misis noong Lunes ng gabi sa Barangay Apaya sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan.

Si Tito Palaganas Jr., 22, ay natagpuang nakabitin sa labas ng kanilang tahanan gamit ang nylon cord. Sa inisyal na ulat ng pulisya, lumitaw na nagkaroon ng ‘di-pag­kakaunawaan ang mag-asawang Palaganas kaugnay sa pagkakaroon ng urinary tract infection ng babae.

Ayon pa sa ulat, na inakala naman ng biktima na siya ang nagdala ng sakit sa kanyang misis kaya nagde­sis­yong magbigti na lamang dahil sa kahihiyan. Cesar Ramirez

Show comments