Mag-ina natagpuang patay

BULACAN, Philippines – Narekober na ng mga mangingisda ang bangkay ng mag-ina sa dulong bahagi ng Barangay Pugad sa bayan ng Hagonoy, Bulacan habang nasa kasagsagan nang pagpapakawala ng tubig mula sa Angat Dam kahapon.

Base sa ulat ng pulisya, pina­niniwalaang inanod na lamang ang mga bang­kay na nasa pagitan ng 25 hanggang 30-anyos ng edad ng matan­dang babae habang nasa 10-anyos naman ang bata.

Natagpuan ang bangkay ng matandang babae na naka­sabit sa mga ugat ng puno ng bakawan habang may ilang metro naman ang layo ng bangkay ng bata.

Sa tala, nagpakawala ng tubig ang Angat Dam kamakalawa para paghandaan ang pagpasok ng dalawang bagyo sa mga susunod na araw. Kabilang sa mga dadaluyan ng tubig mula sa Angat Dam ay ang pitong bayan sa lala­wigan ng Bulacan. Boy Cruz

Show comments