Chairman ng Bantay-Dagat itinumba

BATANGAS, Philippines – Pinag­babaril at napatay ang isang 54-anyos na chairman ng Nasugbu Ban­tay-Dagat ng mga ‘di-pa kila­lang kalalakihan sa pa­nibagong karahasang na­ganap sa Sto. Niño Street sa Barangay 10 sa bayan ng Nasugbu, Ba­tangas kamakalawa ng gabi.

Napuruhan sa ulo si Santiago Dulay ng Tanigue Street, Barangay Wawa sa bayan ng Nasugbu, Ba­tangas.

Sa ulat nakarating kay P/Senior Supt. Jesus Gat­chalian, Batangas police director, lumitaw na lulan ng motorsiklo at papauwi na si Dulay ma­tapos mag­hatid ng ka­samahan nang harangin at ratratin ban­dang alas-8 ng gabi.

Ayon kay P/Supt. Antonio Malabanan, Nasugbu police chief, posibleng may kaugnayan sa trabaho ng biktima ang motibo ng pa­mamaslang batay na rin sa mga natatanggap nitong mga pagbabanta bago ito napatay.

“ Marami na kasi silang nahuhuling mga nag-iilegal fishing sa Nasugbu kaya maaring ginantihan siya ng sindikato,” dagdag pa ni Malabanan.

Show comments