Biyuda dinedo dahil sa lupa

LEGAZPI CITY , Philippines  – Pinaniniwalaang alitan sa lupain ang isa sa motibo kaya binaril at napatay ang isang 68-anyos na biyuda ng ‘di-pa kilalang lalaki kahapon ng umaga sa Barangay Buyo, Tinambac, Camarines Sur.

Sapol ng shotgun sa mukha at idineklarang patay sa ospital si Leonida Carino.

Base sa police report, lumilitaw na nagpapahinga ang biktima sa loob ng kanyang tahanan nang maganap ang pamamaslang bandang alas-9 ng umaga. Ed Casulla

Show comments