Abogado kritikal

Batangas, Philippines – Kritikal ang kondisyon ng isang abo­gado matapos na barilin ng ’di kilalang lalaki sa tapat ng law office nito sa Sto. Tomas kahapon ng umaga.

Ang biktimang si Atty. Joseph Pajasnustan, tubong Cavite at residente ng 2nd Floor Magmen Bldg. Ba­rangay 4, Sto Tomas, Ba­tangas ay pinagbabaril dakong alas-7 ng umaga habang nakatayo sa balcony ng kanyang opisina at may kinakausap sa cell­phone.

Agad na dinala sa St Frances Cabrini Medical Center ang biktima at nana­tiling walang malay sa ICU. Sinisiyasat ng mga otoridad na konektado sa propesyon nito at bilang executive vice-president ng Obrero Filipino, isang labor group ng Ho-Woo Garment Factory ang motibo ng pamamaril dito.

Nagsasagawa ngayong ng masusing imbestigasyon ang pulisya para matukoy ang suspek. (Arnell Ozaeta)

Show comments