Bigotilyong rapist dinakma

BULACAN, Philippines — Kalabo­so ang isang 28-anyos na bi­go­tilyong traysikel dray­ber na sinasabing nangha­lay sa isang 13-anyos na estu­dyan­teng babae maka­raang ma­aresto ng pulisya kaha­pon sa Barangay Cat­mon sa bayan ng Sta. Maria, Bula­can. Por­mal na kinasuhan ha­bang na­ka­kulong ang sus­pek na si Jeof­frey Verzosa. Base sa police report, ang bik­tima ay ni-rape noong Bi­yer­nes ng Set­yembre 11 kung saan ay pi­­nagnaka­wan.

Sa follow-up operation ay naaresto ng pulisya ang sus­pek matapos na mamuk­haan ng biktima dahil sa palatan­daang bigote at nunal sa mukha. Boy Cruz

Show comments