5 na dedo sa flashflood

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines – Umabot na sa 5-kabataan ang naiulat na namatay sa Cavite flash­flood noong Lunes mata­pos matagpuan pa ang da­lawang bangkay ka­hapon ilang metro lang ang layo sa ilog sa bayan ng Das­mariñas, Cavite. Kinilala ang dalawa na sina Kent Brian Re­villa,11; at nakaba­batang kapatid na si Kobe Mel Revilla, 6, kapwa na­katira sa Barangay Palipa­ran. Nauna nang natag­puang patay sina Jerry Millalios, 12; Daryll Revilla, 9; at si Fernando Socito, 12 sa Brgy. Anabu sa bayan ng Imus, Cavite at Brgy. Salawag sa Dasmarinas noong Martes ng umaga. Ayon sa ulat, naglalaro ha­bang nanghuhuli ng ta­langka ang mga biktima sa ilog ng Pasong Buwaya sa Brgy. Paliparan nang bigla dumaloy ang malakas at mataas na tubig sa ilog at tangayin ang mga ito ban­dang alas-2 ng hapon. Nailigtas naman ang wa­long kalaro ng limang na­sawi kung saan inanod ng malakas na tubig-baha mula sa Tagaytay City at sa bayan ng Silang. Arnell Ozaeta

Show comments