8-anyos todas sa dikya

MANILA, Philippines - Humantong sa trahedya ang paliligo sa dagat ng  anim na bata kung saan iniulat na nasawi ang isang 8-anyos na babae matapos kapitan ng dikya sa katawan noong Sabado ng umaga sa Barangay Giljungan, sa bayan ng Cauayan, Negros Occidental.

Hindi na naisalba ng mga doctor ang buhay ni April Mendoza habang ginagamot naman ang limang iba pa matapos madikitan ng killer dikya.

Sa naantalang police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na nagkayayaan ang mga biktima na maligo sa dagat bandang alas-10 ang umaga kung saan naganap ang insidente. Joy Cantos

Show comments