3 katao lasog sa granada

MANILA, Philippines - Tatlo-katao kabilang ang mag-ama ang kumpirmadong nasawi samantalang isa pa ang nasugatan makaraang su­mambulat ang granada sa housing area sa Barangay Sarmiento, sa bayan ng Parang, Maguindanao kamaka­lawa. 

Kabilang sa mga nasawi ay sina Sgt. Jake Pamitan ng Special Operations Platoon ng 7th Marine Battalion Landing Team (MBLT); anak nitong si Nelani May, 7; at ang kapitbahay na si Arcadia Duyungan, 50.

 Ginagamot naman sa Cotabato Regional  Medical Hospital  ang misis ni Pamitan na si  Neldie Joy. Sa police report na nakarating sa Camp Crame, lumilitaw na nahulog ang granada sa kamay ni Sgt. Pamitan sa loob ng kanilang tahanan kaya naganap ang trahedya dakong alas-7:45 ng gabi. Joy Cantos

Show comments