MANILA, Philippines - Tatlumpung mga kabahayan ang nawasak matapos na hagupitin ng buhawi at malakas na ulan na may kasamang yelo ang isang barangay sa San Fernando City, Pampanga, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ng Office of Civil Defense, dakong alas-6 ng gabi ng umulan na may kasamang yelo na sinlaki ng kamatis sa Northville Subdivision, Brgy. Calulut ng lungsod na ito. Matapos ang pag-ulan ay bigla na lang umanong nakarinig ang mga residente dito ng malakas na ugong kasunod ang malaking buhawi.
Sa lakas ng naturang buhawi ay maraming puno ang nabuwal at 30 kabahayan ang nawasak at natangay ang mga bubungan.
Ilan sa mga residente ay nagsidapa umano sa lupa upang hindi matangay ng pu wersa ng malakas na buhawi. Dahil sa pagkasalanta ay humingi ng tulong sa local na pamahalaan ang mga residenteng nabiktima ng pananalasa ng buhawi para muling maitayo ang kanilang mga bahay. (Joy Cantos)