Kano inatake sa puso sa lovemaking, patay

MANILA, Philippines - Isang 45-anyos na Amerikano na si James Fitzgerald ang hinihina­lang namatay sa atake sa puso ilang minuto ma­tapos itong makipag-sex sa isang waitress na Pilipina sa isang hotel sa lalawigan ng Pampanga kamakalawa ng gabi.

Batay sa imbesti­gas­­­yon, sinabi ni PO1 George Buan ng Angeles City Police Station 4 na nagbar-hopping umano ang biktima at ang 22-anyos na waitress na si Gina Bacalla bago nag-check-in kamakalawa ng gabi sa isang hotel sa lungsod.

Matapos magtalik ang biktima at si Bacalla ay pumasok ang huli sa banyo upang maglinis ng katawan. Gayun­man, nakarinig ang babae ng malakas na kalabog at paglabas niya sa banyo ay nakita niyang naka­handusay na sa sahig si Parks.

Tumawag pa si Ba­ calla ng doktor upang matingnan si Park su­bali’t nabigo nang ma­isalba ang buhay nito. Hinihinala ng duktor na inatake sa puso ang bik­tima sa sobrang ‘excitement’ sa pakikipagro­mansa sa nasabing ba­bae. (Joy Cantos)

Show comments