6 naisalba sa sex den

BULACAN, Philippines — Anim na kabataang babae na sina­sabing may edad na 11 hangang 17-anyos at nagbe­benta ng panandaliang-aliw sa mga kalalakihan ang naisalba sa sex den kung saan naaresto ang isang ba­bae sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Ba­rangay Batia sa bayan ng Bocaue, Bulacan kama­kalawa ng gabi.

Pormal na kinasuhan ang suspek na si Rowena Atendido, 40, ng Northville 5, relocation site.

Sa ulat na nakarating kay P/Supt.Ronald De Je­sus, lumilitaw na nakatanggap ng impormasyon ang pu­lisya na ginagawang sex den ang bahay ni Atendido sa nabanggit na barangay kaya ni-raid ng mga tauhan ng Regional Investigation and Detective Management Division at ng local na ahensya ng Department of So­cial Welfare and Development  Boy Cruz

Show comments