P20-M ari-arian naabo

MANILA, Philippines - Umaabot sa P20 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang malaking bodega na pag-aari ng isang negosyante sa Barangay Bunawan, Davao City kamakalawa.

Sa ulat ng police regional office na nakarating sa Camp Crame, bandang alas-2:20 ng madaling-araw nang magsimulang masunog sa bodegang pag-aari ni Elias Pamongcales sa KM 14.

Naapula naman ang apoy dakong alas-5:30 na ng umaga kung saan wala namang naiulat na nasugatan at nasawi sa insidente. Pinaniniwalaan namang short circuit ang pinagmulan ng sunog habang patuloy ang imbestigasyon. Joy Cantos

Show comments