6 utas sa salpukan

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Anim na sibilyan ang iniulat na nasawi makaraang salpukin ng pick-up ang kasalubong na overloaded na traysikel sa kahabaan ng highway sa bayan ng Sultan Kudarat, Ma­guindanao, kamakalawa.

Ayon kay P/Supt. Danilo Ba­cas, spokesman ng Autonomous Region in Muslim Mindanao PNP, kabilang sa mga namatay ay sina Hadji Ak­mad Guiamad, 50; Ban­halin Dadang, 17; Agah Igah Tasil, 45; Abutazil Sakur, 45; Faisal Sakur, 40; at si Jua­nito Padilla, 16. Kritikal na­man ang kondisyon ni Mo­hammad Alih Kabakoy, isa sa mga pasa­hero ng tray­sikel, na naisugod sa ospital sa Cotabato City. 

Base sa police report, bina­bay­bay ng traysikel ang Cota­bato-Davao highway sa Barangay Limbo, Sultan Ku­darat, nang salpukin ng pick-up na minamaneho ng senglot na drayber.

Hindi kaagad nakilala ni Bacas ang drayber ng pick-up na, aniya ay sa­sam­pahan ng kasong reckless imprudence resulting to multiple deaths. Malu Cade­lina Manar

Show comments